|
Friday, February 24, 2012
|
|
Kapag naging “attached” kang masyado sa isang tao,
theskullcandiii:
- Para kang tanga pag iniwan ka nito
- Mukha kang kawawa
- Magigi kang masyadong “dependent” sakanya
Iwasan maging “attached” sa isang tao. Wag mong kalimutan ang sarili mo, at nabuhay ka hindi lang para sakanya, pero para sa sarili mo rin, para sa pamilya mo at ibang mahal mo sa buhay. Hindi sakanya umiikot ang mundo mo.
Kapag binigay mo ang lahat sakanya, walang matitira sayo kapag iniwan ka niya.
—-
may naalala ako dito.
Kahapon nasa room 209 ako, kausap ko ung isa naming 3rd year. Nagchikahan kami at nabanggit ko ung tungkol sa isa nyang kaklase na nasa room na yun din nung mga panahong yon. Sabi ko, naaawa ako dun sa kaklase niya. Sabi nya oo nga daw. Nakakaawa daw. Laging OP sa klase at parang mas masaya pa daw yun dun sa kabilang section. Akala ko, okey naman siya talaga pag nasa classroom, pero kung ano pala ung nakikita ko pag nasa labas siya, ganun din pala pag nasa loob. Malimit siyang mapag-isa ngayon. Parang laging malungkot, walang kasama, walang kausap. Sabi nung kausap ko, masyado kasing umikot ang mundo nung lalaking un dun sa ex niya. Laging sila lang ang magkasama dati. Kaya ngayong wala na sila, hayan at wala na din siyang makasama. Ang lungkot lungkot niyang tingnan. Sobra talaga akong naaawa sa kanya. Dagdag pa ung kwento nung kausap ko na parang hindi magandang makisama ung mga iba nyang kaklase kaya lalong nao-OP ung lalaki.
Alam kong wala akong alam sa lahat ng mga nangyayari. Pero sa mga nakikita ko, hindi ko talaga maiwasang maawa sa kanya. Makikita mo din kasi sa isang tao kung may pinagdadaanan siya o wala sa mga kilos niya pa lang. Wish ko lang maka-move on siya at magkaroon siya ng mga totoong kaibigan. Mga kaibigang di siya iiwanan.
POST DETAILS:
Posted on
February/24/2012
Tagged as:
ice-in-a-box,
ICEthing,
Originally Posted by:
theskullcandiii Reblogged From:
theskullcandiii
POST NOTES:
-
Show more notesLoading...