|
Thursday, February 23, 2012
|
|
break na…….:(
Kanina umalis ako ng bahay ng 10 kasi bumili ako ng gamit namin sa sensor. Umaga pa lang nagtext na si cous angelica na dala nya na ung pinagawa ko, kaso 1 pa ang klase ko. Sabi ko iwanan nya na lang sa may canteen pero ayaw daw tanggapin. Sobrang nahihiya ako kay cous kasi bitbit nya pa un papunta sa bahay ng kaklase nya. Wala pang 12 nasa school na ko. Habang nasa byahe ako, sabi ko kay boss hindi ako papasok. Eh halos magkasunod lang ung jeep na sinakyan namin kasi nung tinanong ko kung nasan na siya, nasa may lawas na daw, eh andun pa lang din ako. Kaya nagmadali na ko nung pasakay sa tricycle sa subdivision.
Nasa room 209 ako, mga 3rd year ang kasama ko. Mega chikahan kami ni haide habang wala pa kong mga kaklase dun. Tapos sabi ni boss nasa 208 daw sya, sumilip lang daw sya, diretso shop kasi nandun mga kaklase nya. Dumating naman si cous ng mga 12:45 sa relo ko. Dala nya na ung pinagawa ko. Bumaba kami ni mildred, naghanap ng mapapag-iwanan. At dun namin iniwan kay kuya (kuyang malambot sabi ni rosinne.. HAHAHA) sa tindahan ng candy at tsitsiriya. Mababait kasi ang mga tao dun. :)
Buong akala ni boss absent ako. Tapos umaga pa lang din, sinabi ko na sa kanya na may papakuha ako. Sabi ko iuwi nya muna. Alas dos sila bumalik ng school pero sabi ko sa kanya, pag pauwi na lang tsaka nya kunin. Eh baka daw magsarado na kaya kinuha nya na. Sabi niya, ang laki daw ng lalagyan. Sabi ko basta iuwi nya muna un. Parang kakaiba daw. Sabi ko naman, kanya na un. Nagulat siya. Di ko na daw kelangan syang bigyan ng ganun. Eh ang saken naman kasi, un na lang ang mabibigay ko kapalit ng mga ginagawa niya. Way ko lang para magpasalamat sa isang buwan na pag-unawa niya saken. Naisip ko nga, siguro kung ako siya, di ko kakayanin ang ugali ko. Pero nagagawa niya kong intindihin.
Katext ko siya buong oras ng klase niya. Pcom kasi, reporting lang daw. Eh TLR naman kami, reporting lang din kaya tamang text nga lang. Sabi nya andaya ko daw kasi hindi ako pumasok.
ako: bakit?wala din naman mangyayari kung papasok ako..
siya: hehehe..sana eh nagkita tayo..
ako: 4 naman labas ko kung pumasok ako..di din tayo magkikita..
siya: eh?
ako: anong eh???haha
siya: indi mo ko hihintayin?
ako: hihintayin kita???
siya: kung pumasok ka ngayon??
ako: haha. gusto mo ga hintayin kita?
siya: hihintayin ga naman?
ako: eh kung gusto mo nga?
siya: hahaha
Tapos tinanong ko si rosinne kung maghihintay ba ko o hindi. Sabi niya, “pag hinihintay ka tuwing wednesday, anong oras ang labas niya?”
Naisip ko, oo nga naman, pag wednesday labas na sila ng 4 kahit dapat 6 pa kasi di sila sinisipot ng prof nila. Pero hinihintay nya pa din ako kahit abutin ng 6:30. Kaya naisip ko na hintayin ko na din siya kanina, isang oras lang naman ang paghihintay ko eh.
Yun nga, lumabas kami ng wala pang 4. Tinext ko siya..
ako: boss, labas na ko. intayin kita. hahaha
siya: wew. kala ko hindi ka pumasok?
buti na lang maaga din sila pinalabas. 4 lang labas na sila kaya di na natagalan ang paghihintay namin. Kasama ko ang ffs ko habang naghihintay. ;)
Sabi niya ang luka ko daw kasi ayaw ko pa talaga magpakita sa kanya. HAHAHA. Natatawa ako kasi parang ewan. Para siyang bata.
Tapos kumain kami kasama ang chaperone naming si mildred. :)
Happy ^_^ pero break na kami ngayon..=’((
Break na muna kasi mag-aaral pa siya para sa exam sa advanced math. :)
POST DETAILS:
Posted on
February/23/2012
Tagged as:
ice-in-a-box,
baby,
23,
angdakilangkaaway,
millijeff,
;'),
POST NOTES: