|
Thursday, February 23, 2012
|
|
isang buwan ng illegal..
Isang buwan na kaming nagtatago.
Isang buwan ng tarayan.
Isang buwan ng puro “K.”, “geh”, “ok”, “cge”, “hahaha”, “hehehe”
Parang ang bilis lang…
kagabi habang naglalakad kami papuntang paradahan…
ako: 23 na bukas
siya: oo nga eh..
ako: parang kabilis
siya: mabilis ga un?
ako: bakit? sawa ka na???
siya: hindi ahh.. (sabay hawak sa kamay ko)
Isang buwan na nga kami, pero may kulang. Mas masaya sana kung legal. Mas masaya kung wala akong tinatago sa magulang ko. Pero wala eh. Hanggang dito na lang muna. Gustuhin ko man, wala akong magagawa.
Isang buwan na. Feeling ko ang laki laki na ng utang na loob ko sa kanya pero ako, wala pang nagagawang maganda bukod sa araw araw syang inisin at tarayan. Pero kahit anong pang-iiyamot ang gawin ko, hinding hindi naman siya nagagalit. Sana hindi siya magsawang umintindi saken. Sana may susunod pang buwan para samen.
Sana madami pang susunod na buwan para sa “i love you” at “mahal kita”. :)
POST DETAILS:
Posted on
February/23/2012
Tagged as:
ice-in-a-box,
feb23,
23,
POST NOTES: