|
Thursday, February 16, 2012
|
|
:)
Nagising ako ng 6:30 ng walang alarm kasi alam kong aalis siya ng bahay ng 7. Ginoodluck ko siya at katext ko siya kahit na antok na antok pa ko. Gusto niya kasi magkatext kami lagi kapag wala kaming ginagawa kaya magastos!. (HAHA. joke lang). Tinanong ko na sa kanya un nung una pa lang, sabi nya ganun talaga ang gusto niya. Sabi ko ibili niya na lang ng mga gamit sa logic ung pinangloload niya o kaya ipang-dota niya na lang. Pero natawa lang siya. Ayos lang naman saken. Wala akong pakialam sa pera. At hanggang ngayon ganun pa din kami. Araw araw halos magkatext.
Siyempre pabor din saken un kasi alam ko lahat ng kilos at mga nangyayari sa kanya, hindi dahil para akong nanay na tanong ng tanong kundi dahil siya mismo ang nagsasabi saken. At ganun din naman ako sa kanya.
At madalas ding bisyo namin, ung pareho na kaming online, magkachat na pero magkatext pa din. Ang malala, magkaiba ung topic namin sa chat at sa text. Kaya madalas, ang nangyayari tarayan sa chat pero sweet sa text o kaya sweet sa chat at tarayan sa text. Parang mga baliw lang.
Pero di naman natatapos ang gabi na may tampuhan kami. Kasi di naman namin matitiis ang isa’t isa. Ung tipong matapos ang walang kamatayang “K.”, last minute bago mag-out, sunod sunod na “i love you”. At pagka-out sa facebook, text naman. Another 30 minutes na tarayan, asaran at kasweetan. Eh kasi ang sweet talaga nung batang un. Nakakainis! *hahaha .
Okey. wala lang. :’) ♥
POST DETAILS:
Posted on
February/16/2012
Tagged as:
ice-in-a-box,
baby,
chat,
text,
personal,
POST NOTES: