|
Sunday, February 12, 2012
|
|
tunay nga pala..
ala una na ng madaling araw nung nakatulog ako. Kasi nagalit siya saken. Totoo nga palang sobrang seloso niya.

ang alam ko kasi di niya to mababasa dahil sa settings. Kaso mali pala. Asar!
Matapos yan, halatang nag-iba ang mood niya sa chat. Sobra. Kasabay pa ung pagdodota niya kaya lalo akong nalungkot ng bongga. Sabi niya saken matulog na ko, mapupuyat lang daw ako. Sabi ko naman hindi ako matutulog hangga’t galit pa siya saken. Tinanong ko kung galit siya, ang sagot niya, “ewan?”
Siyempre halatang halata naman na galit siya kaya di ako agad natulog. Gusto ko bati kami pag natulog ako. Sabi niya wag ko na lang daw isipin un kasi ganun talaga siya. Oo nga. Ganun nga pala siya. Ngayon napatunayan ko na.. Naghintay ako ng makakausap habang lungkut-lungkutan ako. Saktong comment naman ni kuya joren. Ang bago kong kuya! haha. Instant eh. Ayun, chinat ko siya at nagtanong ako, humingi ng advice. At kinomfort niya ko. Nakakatuwa kasi kahit di naman kami nag-uusap sa school, parang close na din kami. Mabait siyang kuya, bukod dun kaclose siya nina biboi at poy at iba pa ka ayos na ayos.
Tapos nun. NagPM ako ulit sa kanya. At nagsorry ako. Naging maayos naman ang lahat. Kelangan ko lang talagang intindihin na ganun siya. At kelangan kong mag-adjust kasi alam kong sa pagiging “friendly” ko, iba ang magiging interpretation niya.