Photobucket
Wednesday, February 8, 2012
gabi na..

nakakapagod ang araw na to.

Nakinig sa sensors. Inantok. Nakinig. Tumawa. Inantok si sir barte (LAGI NAMAN!). Inantok si Bryle (LAGI DIN). Pero ayos naman. Nakakatuwa ung 100 lb force ng daliri ni manong sa video at ang blocked kick ng dalwang foreigners. OK..nonsense…

Controls naman, nakakaantok, Ok lang. Ewan. Nakakatamad. Ang haba ng coverage ng exam. Nakakatamad. Nakakatamad. 

Tapos quiz sa stoich. May sagot lahat. Ok naman ata. Ewan ko lang din. Tamang gaya lang. Sana sa semis makagaya at makabawi ako. Lubog na lubog ako eh! Baong baon! Pero di lang naman ako kaya okey lang. 

After ng quiz, tinext ko na si baby,(HAHA.baby talaga eh no?care nyo?!!:D)

Kasi sabi nya kanina sabay daw kami pag umuwi. Eh alam ko naman na posibleng hindi na naman sila siputin ng prof nila kasi matagal na daw ung di naattend sa klase. 

Nung nagtext ako, nandun na pala siya sa may hagdan sa 4th flr. At wala daw silang klase mula pa 4PM. Madilim na, 6:10 na sa relo ko pero naghintay pa din siya. Nasa shop daw sila kanina, pero nanood lang siya sa mga naglalaro nyang kaklase. Okey lang naman saken na di siya maghintay. Nahiya nga ako eh kasi dapat nakauwi na siya sa mga oras na un. Pero sabi niya, “okey lang un, ikaw naman ang hinintay ko eh.”

Ang sweet nya lang. Tapos habang naglalakad kami, hinawakan nya ang kamay ko, sabi ko naman, “pwede na, madilim na naman eh..” at napangiti naman siya.

HAHA. eh kasi kapag medyo maaga pa ng konti, at maliwanag pa, hangga’t maaari, di kami naghahawak ng kamay. (maliban dun sa unang araw na nakita kami ni mam joan!) Pero syempre kapag di nakakatiis, eh lagi niyang inaabot ang kamay ko. Pati sa jeep, buong biyahe nyang hawak ang kamay ko. Kasi alam nyang pagbaba at habang naglalakad na kami, bawal na. Praning kasi ako. Baka mamaya may makakita na kamag-anak ko, edi GG na. 

At sobrang laki ng tuwa ko sa kanya kasi sobra nya kong naiintindihan. At alam ko din na sobrang laki ng respeto nya saken. Sa bawat araw na dumadaan, mas nakikilala ko pa siya. At mas minamahal ko pa siya. Sana lang sa pagdaan ng mga araw, walang magbago. Sana kung anong merun ngayon, ganun pa din sa paglipas ng panahon.



POST DETAILS:
Posted on February/8/2012
Tagged as: ice-in-a-box, ICEthing, baby,

POST NOTES:
  1. ice-in-a-box posted this


Theme by: KAWAIISECRETS. Powered by: Tumblr.